^

Metro

Extension pa sa school break, hingi ng mga guro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling umapela ang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na palawigin pa ang kasalukuyang school break upang mabigyan sila ng mas mahabang panahon para mapaghandaan ang pagbubukas ng face-to-face classes.

Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition (TDC) national chairman Benjo Basas, umapela na sila sa DepEd na payagan ang mga guro na i-avail ang kanilang dalawang buwang bakasyon, bunsod na rin ng ilang mga isyu na kailangan nilang tugunan bago magsi­mula ang School Year 2022-2023.

Nabatid na nakipagpulong na rin sila kay Vice President Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd, hinggil sa kanilang apela.

Nagsabi na umano si VP Duterte na hindi maaari ang kanilang hiling ngunit nanghingi aniya ito ng mga dokumento na naibigay naman nila.

Maghahain din aniya sila ng rejoinder sa kanilang apela sa Lunes, na magiging hu­ling baraha nila upang kumbinsihin ang kalihim na pagbigyan ang kanilang hiling.

Nanindigan din si Basas na sa ilalim ng Republic Act No. 11480, na nilagdaan ni dating Pang. Rodrigo Duterte noong 2020, ang pagbubukas ng school year ay maaaring ipagpaliban sa ibang petsa na lampas sa Agosto sa panahon ng national emergency.

Aniya, dahil ang Pilipinas ay nananatili pa rin sa state of calamity bunsod ng COVID-19 pandemic hanggang sa Setyembre, ang kanilang apela para sa ekstensiyon ng bakasyon ay balido pa.

Matatandaang itinakda na ng DepEd ang pagbubukas ng klase sa Agosto 22, 2022 at magtatapos ito sa Hulyo 7, 2023.

Ang face-to-face classes ay sisimulan sa Nob. 2, 2022.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with