^

Metro

P4.8 milyong shabu nasamsam: 6 arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P4.8 milyong shabu nasamsam: 6 arestado
Kinilala ni SPD Director, P/Brig. Ge­neral Jimili Macaraeg ang mga naarestong sina ­Eduardo Arciaga Ocampo, alyas Allen, 47 (HVI); Mike Chavenia, 24, parking boy, (HVI); at Almer Aguiliña Gula, 33, pawang residente ng Parañaque City.
Krizjohn Rosales, file

MANILA, Philippines — Nasa P4.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Parañaque City at Malabon kung saan anim ang naaresto.Sa Parañaque nasa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlo katao kabilang ang dalawang nasa talaan ng high value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga elemento ng Southern Police District (SPD) sa Parañaque City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ni SPD Director, P/Brig. Ge­neral Jimili Macaraeg ang mga naarestong sina ­Eduardo Arciaga Ocampo, alyas Allen, 47 (HVI); Mike Chavenia, 24, parking boy, (HVI); at Almer Aguiliña Gula, 33, pawang residente ng Parañaque City.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ka­makalawa nang maaresto ang mga suspek sa Puyat Compound, Brgy. Tambo, Parañaque.

Nasamsam ang kabuuang 505 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?3,434,000.00.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Parañaque Prosecutor’s Office ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Samantala, sa Malabon City tatlo ring pinaghihinalaang drug traffickers kabilang ang dalawang high value individual (HVI) ang nasakote  kung saan nasamsam sa mga ito ang nasa P1.4 milyong halaga ng shabu sa buy- bust operation sa Malabon City kahapon.

Sa report na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ulysses Cruz mula sa District Drug Enforcement (DDEU) kinilala  ang mga nasakoteng mga suspect  na sina Larissa Lacson alyas Ate, 31, (HVI); Maricris Marquez alyas Cris, 43; pawang ng Unit B, Road 4 Street, Brgy. Dampalit at Ricardo Salvador, 49 (HVI) ng Navotas City.

Dakong ala-1:30 ng madaling araw ng magsagawa ang mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Senior Master Sgt. Michael Tagubilin ng buy-bust operation sa harap ng Unit B, Road 4 Street, Brgy. Dampalit  ng lungsod.

Ang mga suspect ay inaresto ng mga awtoridad sa aktong tinatanggap ang marked money mula sa police poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspect ang humigi’t- kumulang 210 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng  P1,428,000.— Joy Cantos

vuukle comment

HVI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with