^

Metro

Tamang pagtatapon ng basura, apela ni Mayor Lacuna

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga residente ng Maynila na tulungan ang kanilang lokal na pamahalaan na malutas ang mga problema sa pagbaha sa lungsod sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa ng tamang pagtatapon ng basura, lalo na ngayong tag-ulan.

Aniya, ang department of public services (DPS) ay inatasan niyang magsagawa ng tuluy-tuloy na declogging at paglilinis ng lahat ng daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha.

Iniutos niya rin ang patuloy na koordinasyon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) kung saan nasasakupan ang flood control program ng lungsod.

“Iniatas natin ang tuluy-tuloy na paglilinis ng mga estero para maiwasan ang pagbaha. Ganundin ang continuous coordination with the MMDA na paganahin ang mga pumping station ‘pag may malakas na ulan and flash flooding,” anang alkalde.

Ang paglilinis sa mga pangunahing drainage at esteros ay ginagawa nang may pakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nakalinya na rin ang planong pag-upgrade sa mga kalsada na naiwang mababa sa pagpapataas naman ng mga national road.

 “Yun naman pong mga kalye na luma at ina­dequate na ang size ng drainage at ‘yung iba pong kalye na naiwanan sa pagtaas ng mga national roads ay isinasama natin sa proposed upgrading, drainage improvement and concreting projects,” aniya pa.

vuukle comment

GARBAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with