Libreng sakay pinalawig!
Aprub kay Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga commuters.
Pinalawig ng pamahalaan ang libreng sakay sa ilang pampublikong transportasyon.
Base sa inilabas na memo ng Department of Transportation (DOTr), inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang rekomendasyon para mapalawig ang libreng sakay.
Ayon sa DOTr, pinalawig hanggang Disyembre ang libreng sakay sa EDSA bus carousel na dapat sana ay magtatapos sa katapusan ng Hulyo.
Inaprubahan din ng Palasyo ang libreng sakay sa MRT-3, LRT- 2 at PNR para sa mga magbabalik sa face- to-face classes na mga estudyante sa Agosto at magtatapos sa Nobyembre.
Una rito, nakipagpulong kay Pangulong Bongbong ang transport officials sa pangunguna ni DOTr Secretary Jaime Bautista kasama si Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez para pag-usapan ang pagkakaloob ng free rides.
Hindi pa man nauupo si Pangulong Marcos, matindi na ang hirit ng mga commuters na sana ay mapalawig ang libreng sakay na malaki ang naitulong sa kanila sa ilan buwang pagpapatupad hanggang hindi pa stable ang serye nang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
- Latest