^

Metro

Seguridad sa MRT-3, LRT-2, lalo pang hinigpitan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa MRT-3, LRT-2, lalo pang hinigpitan
MRT commuters line up to show their vaccination card at MRT-3 North Ave. station on Aug. 3, 2021. Vaccinated train commuters may now avail themselves of free rides in the Light Rail Transit 2, Manila Metro Rail Transit 3 and Philippine National Railways starting August 3 until the end of lockdown in Metro Manila.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Lalo pang hinigpitan ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang ipinatutupad nilang seguridad sa lahat ng kanilang mga istasyon at mga tren.

Ito’y kasunod na rin nang pagsasailalim ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila sa ‘full alert’ bunsod ng mga pambo­bombang naganap sa Mindanao kamakailan.

Sa kautusan ng pamunuan ng MRT-3, pansamantala munang pinagbawalan ang mga pasahero nito na magdala ng ilang bagay sa loob ng istasyon na posibleng may dalang panganib sa mga mananakay.

Kabilang dito ang lahat ng uri ng armas, bladed weapons, at mga flammable substances.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang mga toxic chemicals, lighters, posporo, pesticides, muriatic acid, liquid hydrogen, at iba pang kahalintulad na items.

Paglilinaw naman ni MRT-3 General Manager Michael Capati, ang pinahigpit na seguridad ay preventive measure lamang at wala silang natatanggap na anumang impormasyon na tinatarget ng mga terorista ang kanilang mga tren.

Samantala, ganito rin naman ang mga security measures na ipinatutupad ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Nabatid na bukod sa istriktong pag-iinspeksiyon ng mga bagahe ng mga pasahero, mayroon ding mga K9 dogs na nag-iikot at nagbabantay sa lahat ng istasyon at mga tren ng LRT-2.

vuukle comment

LRT

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with