^

Metro

In-city housing, libreng internet, ipa-prayoridad ni Mayor Zamora

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang in-city housing projects at pagpapalawak pa ng libreng internet para sa mga public school students ang gagawing prayoridad ni re-electionist  San Juan City Mayor Francis Zamora sa kanyang ikalawang termino.

Ayon kay Zamora, ipagpapatuloy rin niya ang kanyang programa para sa lungsod na natigil dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

“Halimbawa, ‘yung ating dalawang high-rise in-city socialized public housing buildings. ‘Yan po ay ating tatapusin,” ani Zamora, sa panayam sa telebisyon.

Palalawakin din aniya niya ang Smart City Program para sa edukasyon.

Iniulat ni Zamora na bawat public school students sa lungsod ay mayroon ng tablets habang ang internet connection naman ay accessible na rin sa mga tahanan ng mga residente ngunit plano pa aniya niya itong palawakin pa.

Bukod dito, tiniyak din ni Zamora na uunahin din niya ang konstruksiyon ng mga imprastraktura sa lungsod, gaya ng mga wooden basketball courts, at tututukan ang kanilang COVID-19 response.

Kumpiyansa naman si Zamora na ang 15-0 na pagkapanalo ng kanyang partido Team Makabagong San Juan noong May 9, 2022 elections ay magiging malaking tulong upang maisakatuparan nila ang kanilang magagandang proyekto sa lungsod.

vuukle comment

INTERNET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with