Repair at maintenance work ng telcos, suspendido - NTC
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng pamunuan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng network repairs at maintenance work ng lahat ng telecommunications companies at iba pang service providers sa bansa sa panahon ng eleksiyon .
Sa ipinalabas na memorandum ng NTC, sakop ng suspension ang lahat ng pagawain ng lahat ng telcos at service providers mula nitong May 4 2022 hanggang May 14, 2022.
Ikinatwiran ng NTC sa kautusan nito na malaki ang gagampanang papel ng lahat ng telecommunications services at service providers sa panahon ng eleksyon .
Batay sa Republic Act No. 8436, kinakailangang ang election results ng Automated Election System (AES) ay dapat na electronically transmitted at kinakailangan ang koordinasyon sa bawat isa at sa ibat ibang government agencies, accredited citizens’ arms, volunteers, poll watchers at mga kandidato ngayong halalan.
Dahil dito, gagampanan ang papel sa halalan ang lahat public telecommunication entities (PTEs), Internet Service Providers (ISPs), Value-Added Service Providers (ASPs), at Satellite Service Providers (SSPs) para matiyak na ang lahat ng network repairs at maintenance ay makumpleto bago ang May 3, 2022.
Oras na magkaroon ng aberya, dapat na ipaalam ng PTEs, ISPs, ASPs at SSPs sa NTC ang gagawing emergency repair at maintenance , impact ng serbisyo at apektadong lugar ganundin kung ano ang resulta ng pagkumpletong solosyon sa naging aberya.
- Latest