^

Metro

6 bus companies, pagpapaliwanagin ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
6 bus companies, pagpapaliwanagin ng LTFRB
Passengers wait for provincial buses at terminals along EDSA in Cubao, Quezon City on April 21, 2022 as bus companies start implementing 10PM to 5AM trips to comply with the window hours provided by the MMDA for provincial buses to use terminals and ply the stretch of EDSA.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pinadalhan na ng show-cause order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang anim na provincial bus operators upang magpaliwanag sa nangyari pagka-stranded ng maraming pasahero partikular sa istasyon ng bus sa Pampanga, kamakailan.

Ayon sa LTFRB, ang mga pinagpapaliwanag hinggil dito ay ang Victory Liner Inc. Genesis Transport Service Inc. Bataan Transit Bus Co. Inc. Five Star Bus Inc at First North Luzon Transit Inc at Maria De Leon company na umano’y lumabag sa kanilang Certificate of Public convenience o prangkisa.

Sinasabi naman ng ilang bus operators na nabanggit na wala silang biyahe sa Maynila na mula sa mga terminal sa Pampanga sa Dau Terminal, Mabalacat, Pampanga Robinson Mall Terminal, San Fernando City, Pampanga Victory Liner Terminal, San Fernando City, Pampanga Bataan Transit Terminal, San Fernando City, Pampanga Genesis Terminal, San Fernando City, Pampanga Bus Stop in Mexico, Pampanga .

Nagtakda ang LTFRB Region 3 ng pagpupulong hinggil dito sa Mayo 10.

May mga pasahero umano sa Cubao bus terminal ang may mahi­git 10 oras na naghintay ng masasakyan pauwi ng probinsiya nitong nakaraang linggo.

Sinasabing ang hindi pag-operate ng naturang mga bus sa Pampanga ang ugat kung bakit maraming pasahero ang na-stranded sa mahabang oras sa naturang lugar noong April 20.

Una nang isinisi ang kalituhan sa ‘window hours scheme’ ng Metropolita Manila Developnent Authority (MMDA) sa mga provincial bus.

Ilang provincial bus operators ay limitado ang operasyon sa gabi dahil sa bagong ipinatutupad na bagong window hour scheme.

Niliwanag naman ng LTFRB na ang naturang polisiya ay para lamang sa paggamit ng mga kumpanya ng bus sa mga private terminals nila sa Metro Manila mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga at tuloy tuloy pa rin dapat ang operasyon ng mga ito.

Napaulat na nagtuturuan na ngayon ang LTFRB at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nilikhang kalituhan ng provincial bus opertaors sa ipinatutupad na window hour scheme sa ilang kompanya ng bus.

vuukle comment

BUS

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with