^

Metro

Arjo Atayde may 74.9% sa QCD1 congressional race

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangunguna sa survey na ginawa ng Istratehiya Inc. mula Marso 17 hanggang 20 sa congressional race sa Quezon City District 1 si Arjo Atayde na nakakuha ng 74.9% laban kay Rep. Peter Anthony “Onyx” Crisologo na nakakuha ng 25.1%, habang si incumbent Mayor Joy Belmonte ay lamang sa 73% laban kay Rep. Mike Defensor na may 26.3%.

Basehan ng survey ang kakayahang tumulong  ng mga kandidato sa ibang tao, ang sipag sa pagtatrabaho, ang kapasidad na intindihin ang mga pinagdaraanan ng mahihirap, talino, katapanan, tibay ng loob, pananampalataya, ang hindi pagiging isang tradisyunal na politiko, ang kakayanang magbigay ng inspirasyon, at marami pang iba.

“Right now what the families of QCD1 needs is H.E.L.P., not black propaganda. Hindi po nakakatulong ang black prop. Ang kailangan po nga taga-Distrito Uno ay tulong, hindi tsismis,” ani Atayde.

Ayon kay Atayde, ang H.E.L.P. ang kumakatawan sa kanyang plataporma at mga programa para sa QCD1: Health, Education, Livelihood, at Peace and order.

Nang nag-file ng kandidatura si Atayde nuong October 2021, mayroon na siyang mga aid distribution programs bilang tugon sa COVID-19 pandemic, at dito niya naintindihan ang iba’t-ibang klase ng tulong na kailangan ng distrito.

Binigyan diin ni Atayde, na nakikipagtulungan siya sa national agencies at local go­vernment upang makapagbigay ng livelihood opportunities; ayusin ang problema sa  public transportation; pagpapabuti ng health care at pagpapalawak educational assistance sa mga kabataan ng QCD1.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with