^

Metro

Suspect sa Cainta massacre, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahaharap sa patung-patong na kaso sa piskalya ang isang lalaking itinuturong suspek sa pagmasaker sa isang ginang, kanyang anak at pamangkin, sa loob ng kanilang tahanan sa Cainta, Rizal kamakailan, matapos itong madakip sa isang follow-up operation sa Tarlac, kamakalawa.

Ang suspek na nakilalang si Vergel Navalta ay nakapiit na ngayon sa Cainta Municipal Police Station at sasampahan ng mga kasong pagnanakaw at tatlong bilang ng kasong pagpatay sa piskalya.

Natunton ang suspek sa hideout nito sa Brgy. Camposanto 1 Sur, Moncada, sa Tarlac.

Nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad hinggil sa kinaroroonan ng suspek kaya’t kaagad nagsagawa ng folllow up operation.

Robbery ang sinisilip na motibo sa pagpatay ng suspek sa mga biktimang sina Angelica Manaloto, 24, at kanyang anak na si Nicagel Mangi, 4, at pamangkin na si Renz Orly Trinidad, 7, sa loob ng inuupahan nilang apartment sa San Francisco, Brgy. San Juan, Cainta, Rizal noong nakalipas na Abril 6.

Ayon pa sa imbestigasyon, pinasok ng suspek ang tahanan ng mga biktima ngunit nang makuha ang mga gadgets at pera ng mga ito ay nagising si Angelica at nagsisigaw kaya’t sinaksak niya ito.

Dahil sa komosyon ay nagising din aniya ang dalawang bata kaya’t natuliro na ang suspek at pinatay na rin maging ang mga ito.

Hindi aniya bababa sa tig-tatlong saksak ang tinamo ng mga biktima, na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan. Sinabi pa ng pulisya na nang matukoy naman nila ang pagkakakilanlan ng suspek ay kaagad na silang nagsagawa ng operasyon upang maaresto ito.

vuukle comment

MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with