^

Metro

Libreng internet sa Maynila, ikinakasa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 896 barangay sa Maynila ang palalagyan ng libreng internet access.

Sinabi ni Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na matutupad na ang  proyektong “the future of Manila and the country” kaya nagpasalamat siya kay Vice Mayor Honey Lacuna at sa buong Manila City Council sa pagtulong sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement sa pagitan ng lungsod at ng Elon Musk’s SpaceX Enterprise para sa pagbili ng Starlink’s satellite broadband internet system para sa buong lungsod ng Maynila.                                                                                                  
 Kaugnay pa nito, ay sinabi rin ni Moreno na palalagyan niya rin ng libreng  internet ang 104 na public elementary at high schools, at sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ng Universidad de Manila pati na rin ang pitong city-run hospitals.

Makikinabang din sa naturang proyekto ang 15 police stations sa ilalim ng Manila Police District at maging MPD headquarters, Manila City Hall at ang lahat ng  satellite offices sa Maynila.

“The next plan is the initial acquisition of more than 1,000 discs for the university belt para pagdating ng araw meron silang access to fast, reliable and internet free services,” sabi ni Moreno.

Labis na nadismaya si Moreno sa sobrang bagal ng internet sa panahong ito, “may hika ang internet sa ibang lugar,” ayon sa kanya ay napag-alaman niya ito mismo ng personal sa mga isinasagawa nilang  campaign sorties.                      
Idinagdag pa ng alkalde na: “I hope magawa ito sa buong bansa,  bawat tao may access to reliable, fast internet for them to have opportunities.”

“Pag me magandang internet access sa pag-aaral ng bata,  madaragdagan ang access to information  at kung magagawa ito sa ibang lugar, magkakaroon ng komersyo at hanapbuhay,” sabi pa ni Moreno.

vuukle comment

INTERNET

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with