^

Metro

‘Mang Kepweng’ na notoryus hacker, timbog ng NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado si alyas ‘Mang Kepweng’ na isang notoryus hacker at res­ponsable sa pamemeke ng mga website ng mga bangko, sa ikinasang pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaniyang bahay sa Caloocan City ka­makalawa.

Inisyal na kinilala ni NBI Acting Director Eric Distor ang suspek na si Denmark Crisostomo, mas kilala na “Mang Kepweng” sa kanilang mundo ng mga hackers.

Responsable umano sa paglikha ng mga fake websites ng mga bangko, pagpapadala sa mga emails ng mga biktima ng tinatawag na ‘scam page’ para makuha ang kanilang mga bank information at pagtangay ng malaking halaga.

Hindi na nakapalag si Crisostomo nang salakayin ng mga tauhan ng NBI-Cybercrime Division ang kaniyang bahay sa Caloocan sa bisa ng isang search warrant. Dito nadiskubre ang isang ‘high-end computer’ na ginagamit ng suspek sa kaniyang ‘phi­shing operations’.

“These are fraudulent bank websites that tried to deceive the people na mag-divulge ng kanilang credentials. So when these perpetrators were able to get their credentials meron silang free access sa inyong account. Pwede na po nilang gawin ang gusto nilang gawin, either i-withdraw or i-transfer po sa ibang account na controlled po nila,” ayon kay NBI-CCD executive officer Francis Señora.

Sa loob ng NBI, ­inamin ni Crisostomo ang kaniyang ilegal na gawain ngunit iginiit niya na mag-isa lamang siya sa kaniyang operasyon. Humingi rin siya ng tawad sa kaniyang mga na­ging biktima dahil nagawa umano niya ito dahil sa pangangailangan sa pera para matustusan ang kaniyang mga gastusin.

Nakaditine na ngayon sa NBI Detention Faci­lity ang suspek na nahaharap sa iba’t ibang kaso kabilang ang paglabag sa Anti-Cybercrime Law.

vuukle comment

HACKER

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with