^

Metro

1 sa 8 ‘salisi’ na bumiktima sa ina ni Nadia, sumuko sa pulisya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
1 sa 8 �salisi� na bumiktima sa ina ni Nadia, sumuko sa pulisya
Si Romeo Miranda, isa sa walong miyembro ng ‘Salisi gang’ na nambiktima sa ina ni Nadia Montenegro na sumuko kahapon sa mga tauhan ng pulisya.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sumuko sa ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa mga suspek na sumalisi at bumiktima sa ng ina ng aktres na si Nadia Montenegro sa loob ng isang membership shopping store sa Novaliches, Quezon City.

Nabatid na ang suspek na si Romeo Miranda ay personal na nagtungo sa tanggapan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) sa Camp Karingal bago magtanghali kahapon upang sumuko.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng mga pulis, lumilitaw na si Miranda ang nagsilbing driver ng grupo na umano’y tumangay sa mga gamit ng biktimang si Linda, ina ni Montenegro.

Patuloy namang pinag­hahanap ng mga pulis ang pito pang suspek sa naturang pagnanakaw.

Sa reklamo ng biktima sa QCPD, nabatid na naganap ang insidente sa loob ng S&R membership shopping store sa Commonwealth, Quezon City noong Miyerkules.

Kasalukuyan umanong namimili ang ginang nang isa-isang maglapitan ang mga suspek at ipitin siya ng maraming carts ng mga suspek, na nagkakagulo sa pagkuha ng items sa kanyang paligid habang tinatangka naman niyang tumabi sa isang gilid.

Nang magbabayad na ay saka lamang napagtanto ng ginang na napagnakawan na pala siya ng mga ito.

Kabilang sa natangay ng mga ito ay ang kanyang wallet na naglalaman ng ?10,000, mga ATM cards at mga IDs. Kaagad rin daw nakapag-withdraw ang mga ito ng ?20,000 at ?67,000 cash mula sa kanyang bank accounts.

Ayon kay QCPD Station 16 commander Lt. Col Richard Mepania, modus ng mga suspek na lituhin ang taong kanilang bibiktimahin at saka kinukuha ang mahahalagang gamit nito.

Nakilala na rin ng pulisya ang apat sa mga suspek habang ang mga ATM cards at mga IDs naman ni Linda ay natagpuan nang nakabalot sa isang face mask sa Marikina City.

Wala pa namang opisyal na pahayag ang S&R hinggil sa insidente.

vuukle comment

QCPD

SALISI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with