^

Metro

Rapper pinagbabaril sa Muntinlupa, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rapper pinagbabaril sa Muntinlupa, patay
Nakilala ang nasawi na si Jomer Galicia o mas kilala sa tawag na OG Kaybee, 32, ng Singalong, Maynila at miyembro ng grupong 187 Mobstaz.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nasawi  ang isang hiphop rapper makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi na­kilalang salarin sa  tapat ng isang tindahan ng damit sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawi na si Jomer Galicia o mas kilala sa tawag na OG Kaybee, 32, ng  Singalong, Maynila at miyembro  ng grupong 187 Mobstaz.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa may Alabang viaduct sa Muntinlupa. Pumasok sina Galicia at mga kasamahan sa isang tindahan ng damit at nang bumalik sa kanilang sasakyan ay tinambangan na siya ng mga salarin.

Nasaksihan ni Benson Malubay o mas kilala bilang Abbadon ang pangyayari.  Ayon kay Malubay, tatlong lalaki na nakasuot ng mga maong na pantalon at t-shirt na puti ang bumaril kay Galicia saka tumakas.

Si Malubay din ang nag-ulat nito sa pulisya na agad namang rumes­ponde sa lugar ngunit naabutan ang biktima na duguan na.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa krimen at tinutugis na rin ang mga suspek.
Nabatid naman na dating may kinaharap na kasong murder si Galicia at nakulong sa Manila City Jail noong 2013. Nadismis naman ang kaso noong 2018.

vuukle comment

JOMER GALICIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with