^

Metro

6 sugatan sa pag-araro ng truck na walang tsuper

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na katao ang nasugatan habang tatlong sasakyan ang nawasak, matapos na araruhin ng isang overloaded na truck, na kusang umandar kahit walang tsuper, sa Brgy. Commonwealth, Quezon City, nabatid kahapon.

Isa sa mga biktima ay nakilalang si Aldo Bacuetes, trabahador, habang arestado at nakapiit na ang suspek na si Marvin Galicia, 24.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Traffic Sector 5, dakong alas-7:00 ng umaga ng Biyernes, Pebrero 18, nang maganap ang aksidente sa Payatas Road, sa Brgy. Commonwealth.

Bago ang insidente ay ipinarada umano ng driver ang truck sa naturang lugar para kumuha ng pagkain sa kanilang bahay.

Gayunman, laking gulat ng driver na wala na ang truck sa kanyang pagbalik dahil umandar na pala ito at inararo ang mga biktima gayundin ang isang closed van, isang jeep at isang berdeng van.

“Kumuha po ako ng pagkain sa bahay eh pagbalik ko po, bigla na po nawala ‘yong truck sa pinagparadahan ko,” pahayag pa ni Galicia.

Nabatid na ang tatlo sa mga nasugatang biktima ay nagkakarga lamang ng mga upuan sa closed van nang mabangga.

Sinabi ni Bacuetes na nasa loob siya ng closed van at nagkakamada ng mga upuan nang mabangga ng truck ang naturang sasakyan.

Gumulong umano si Bacuetes sa loob ng closed van at nawalan ng malay tao.  Paggi­sing niya ay may sugat na siya sa kanyang hita.

Pinaka-napuruhan naman sa insidente ang driver ng berdeng van, na pinaka-nadikdik ng truck, at nagpapagamot pa sa ospital.

Ayon sa pulisya, galing umano ng Bulacan ang truck at magtatapon lamang sana ng basura sa isang dump site sa Rizal.

Posible umanong dahil overloaded ang sasakyan kaya’t kusang umandar ito kahit patay na ang makina, naka-hand break, nakakalso ang gulong at nakasadsad pa sa gutter ng kalsada.

Nabatid na 30 tonelada lamang ang maximum limit ng truck ngunit nasa 50 tonelada umano ang karga nito.

Ang driver ng truck ay mahaharap sa kasong simple negligence resulting in multiple damage to property at multiple physical injuries.

Labis naman ang paghingi nito ng paumanhin sa mga biktima dahil hindi umano niya sinasadya at inaasahan ang pangyayari.

vuukle comment

TRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with