^

Metro

MIAA umapela sa mga pasahero sa paliparan

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaapela si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa mga pasahero na maging responsableng manlalakbay at isipin na hindi lang ang kanilang sarili kundi maging ang kaligtasan ng iba pang pasaherong makakasama nila sa pagbiyahe

Sabi ni Monreal, simple lang ang kanyang mensahe – ang hintayin ng mga pasahero ang  resulta ng kanilang RT-PCR at huwag pumunta sa NAIA kung sila ay nagpositibo sa COVID virus.

Ang panawagang ito ay kasunod ng maraming pag­harang na ginawa ng mga guwardiya sa paliparan habang sinusuri nila ang mga dokumento sa paglalakbay ng mga papaalis na pasaherong patungo sa lokal at internasyonal na mga destinasyon.

Binigyang-diin ni Monreal, na kailangang hintayin ng mga airline passenger ang paglabas ng kanilang RT-PCR results at suriin ito bago pumunta sa NAIA para makasakay sila sa kanilang mga flight. 

Ayon kay Monreal, may 68 mga pasahero ang naharang sa mga departure area ng NAIA habang tinitingnan ng mga guwardiya ang kanilang mga dokumento sa paglalakbay sa mga pasukan ng terminal, karamihan ay nagsasabing hindi nila sinuri ang kanilang mga resulta bago pumunta sa NAIA.

Noong 2021, lumalabas sa talaan ng MIAA na 576 na mga pasahero ang na-intercept ng mga awtoridad sa paliparan at airline at napigilang sumakay sa kanilang mga flight matapos matuklasan na may mga positibong resulta ng RT-PCR.

“Ang mga numero ay talagang kakila-kilabot. Talagang nakakabahala ang ugali na ito ng ilang pasahero sa eroplano lalo na ngayong araw-araw na dumarami ang kaso ng impeksyon.  Hindi pwede ang palusot dito. Ang mga airline ay may tungku­ling sumunod sa mga regulasyon ng bansang patutu­nguhan. Walang pagkakataon na ang isang pasahero ay maaaring laktawan ang pag-check sa napakahalagang requirements na ito, “ sabi ni Monreal

Sa ‘no vaccination, no ride policy’, ang MIAA ay nagpapaalala sa mga domestic passenger na maging handa sa kanilang vaccination card at va­lid government issued ID na may larawan dahil ang mga dokumentong ito ay kakailanganin mula sa kanila sa pag-check-in.

vuukle comment

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with