^

Metro

Mag-asawa, anak patay sa sunog sa Caloocan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa, anak patay sa sunog sa Caloocan
Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang mga nasawing sina Joseph Hernandez at Ashea Robil, kapwa 19-anyos at ang kanilang sanggol.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang maglive-in partner at kanilang 5-buwang gulang na sanggol na lalaki matapos na makulong ng apoy sa loob ng kanilang bahay sa naganap na sunog  ng Bagong Taon.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang mga nasawing sina Joseph Hernandez at Ashea Robil, kapwa 19-anyos at ang kanilang sanggol.

Ayon sa mga bumbero, natagpuan nila ang bangkay ng mag-ina sa loob ng comfort room habang karga ang sanggol nito. Nasawi ang mga ito sa suffocation.

Sa inisyal na report, alas-4:22 ng mada­ling araw nitong Sabado nang sumiklab ang apoy sa paupahang bahay na tinitirhan ng mga biktima sa Malonzo compound, 4th ­Avenue, Brgy. 49 ng lungsod habang mahimbing na natutulog ang mga biktima ilang oras matapos naman ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang mga biktima ay nabigo ng mailigtas dahil nababalutan na umano ng apoy ang buong kabahayan.

Ayon pa sa report, tumagal ng mahigit isang oras ang sunog bago naapula alas-5:29 ng umaga.

Samantala nasa 3 bahay naman ang natupok ng apoy kung saan 13 pamilya o 42 indibiduwal ang naapektuhan.

Isa sa sinisilip na anggulo na sanhi ng sunog ang nakaparadang kariton sa harapan ng bahay ng mga biktima na sinasabing una itong nagliyab.

vuukle comment

CALOOCAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with