Caloocan City half day ngayon
MANILA, Philippines — Tulad nang nakagawian, half day ngayong bisperas ng Pasko ang pasok ng mga empleyado sa Caloocan City hall.
Ito ang nakasaad sa memorandum order ni City Administrator Engr. Oliver Hernandez sa lahat ng department heads, hepe ng mga tanggapan at officers in charge.
Batay sa memo, tanging ang mga tanggapan na bahagi ng frontline services at disaster preparedness ang magkakaroon ng skeletal force upang tuluy-tuloy ang pagseserbisyo.
Dahil sa inaasahang mahabang bakasyon, inaabisuhan din ang lahat ng department heads, chief of offices at OIC na tiyakin na tanggal ang mga saksak ng kuryente o electrical equipments para na rin sa kaligtasan at seguridad ng city hall.
- Latest