^

Metro

Pedicab driver patay sa hambalos ng kadena

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pedicab driver patay sa hambalos ng kadena
Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center dahil sa malaking sugat sa ulo ang biktimang si Ricky Francisco at residente ng Brgy. 146 Zone 12 sa Tondo. Tumakas naman ang suspek na natukoy na si Dativo Bandol, residente ng Malaya St., Balut, Tondo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki makaraang pagpapaluin siya sa ulo ng kadena ng kapwa pedicab driver sa kanilang away sa Tondo, Maynila nitong Martes ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center dahil sa malaking sugat sa ulo ang biktimang si Ricky Francisco at residente ng Brgy. 146 Zone 12 sa Tondo.  Tumakas naman ang suspek na natukoy na si Dativo Bandol, residente ng Malaya St., Balut, Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas- 9:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa pilahan ng pedicab sa panulukan ng Moderna at Pinoy Sts. sa Brgy. 146 Zone 12 sa Balut , Tondo.

Sa salaysay ng testigong si Jorenmey Martirez, pedicab driver din, habang nakapila si Francisco nang sumulpot ang suspek na armado ng kadenang bakal at saka pinagpapalo ang biktima sa ulo.

Agad na tumakas ang suspek nang duguang bumagsak ang biktima. Hinihinalang matagal nang alitan ang motibo sa krimen.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with