^

Metro

Motorista pinag-iingat sa mga bogus na traffic enforcers

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Motorista pinag-iingat sa mga bogus na traffic enforcers
A large number of motorists move through slow traffic along the southbound lane of EDSA in Quezon City on January 5, 2026.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga motorista laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na mga opisyal ng lokal na pamahalaan, tauhan ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA), traffic enforcer, o awtorisadong parking attendant upang maningil ng bayad bunga ng paglabag sa trapiko o mango­lekta ng mga bayaring walang kaukulang pahintulot.

Sinabi ni NCRPO Director PBGen. Christopher Abrahano na inatasan niya ang mga district directors, station commanders at kinauukulang yunit na imbestigahan ang mga naiulat na insidente, pangalagaan ang mga digital na ebidensya kung mayroon, tukuyin ang mga suspek at posibleng mga grupong sangkot sa panloloko, at makipag-ugnayan sa mga LGU, MMDA, at mga awtoridad sa cybercrime upang matugunan ang ganitong mga modus.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa tatlong indibidwal na umano’y nagpanggap na mga parking attendant at naningil ng labis na bayad sa mga motorista sa Malate, Maynila.

Nauna nang nagbabala si Abrahano laban sa mga mapanlinlang na mensahe tungkol sa paglabag sa trapiko na ipinadadala sa pamamagitan ng text message o mga online platform, lalo na ang mga may kahina-hinalang link at nagpapabayad sa mga hindi opisyal na website, kasunod ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Metro Manila.

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with