^

Metro

Bodega ng tela sa Divisoria, nasunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natupok ang isang bodega na imbakan ng tela sa loob ng isang mall sa Divisoria sa Tondo, Maynila, Huwe­bes ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, dakong alas-12:25 ng madaling araw nang unang sumiklab ang apoy sa bodega na pag-aari ng Golden Ox Inc. na nasa loob ng Ylaya 939 Shopping Mall sa  Divisoria. Alas-12:28 ng madaling araw nang itaas ang sunog sa ikalawang alarma.

Batay sa ulat ni F/Insp.Michael Ignacio, Ground Commander ng BFP, nanggaling ang maitim na usok sa bandang likurang  bahagi ng bodega  sa ground floor ng gusali.

Agad na nakares­ponde ang tinatayang 14 na fire trucks ng BFP at 40 trucks ng mga fire volunteers kaya madaling naa­pula ang apoy.

Dakong alas-3:28 ng madaling araw nang makontrol ang pagkalat ng apoy at alas-5:16 ng madaling araw nang ideklarang fire out ito.

Tinatayang aabot sa P5 milyon ang ha­laga ng ari-arian na natupok sa insidente habang walang naiulat na nasaktan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang sanhi ng apoy at malaman kung sinadya ba ito.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with