^

Metro

Pamamahagi ng fuel subsidy sa jeepney drivers, umarangkada na - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pamamahagi ng fuel subsidy sa jeepney drivers, umarangkada na - LTFRB
Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ‘Pantawid Pasada Fuel Program’ (PPP) na tutulong sa mga driver na apektado ang kabuhayan ng oil price hike.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagsimula nang magkaloob ang pamahalaan ng fuel subsidies na may halagang P1 bilyon para sa may  136,000  driver ng pampasaherong jeep upang maibsan ang epektong dulot sa patuloy na pagtaas ng halaga ng petroleum products.

Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ‘Pantawid Pasada Fuel Program’ (PPP) na tutulong sa mga driver na apektado ang kabuhayan ng oil price hike.

“Bagama’t nakita natin sa nakaraang ilang linggo, bahagyang bumaba ang presyo ng krudo at gasolina pero mataas pa rin ang presyo kumpara sa umpisa ng taong ito. Kailangang tulungan natin ang transport sector, lalung-lalo na ang mga tsuper at operator ng public utility jeepneys,”  pahayag ni LTFRB chairman Martin Delgra.

Anya ang subsidy ay hindi lamang para mabawasan ang gastusin sa pagkakarga ng krudo ng mga driver ng jeep kundi upang matiyak na may maghahatid sundo sa mga mananakay ngayong panahon ng pandemic.

Sinabi ni Delgra na  may matatanggap na P7,200 ang bawat sasakyan na one-time subsidy at ang pondo ay ipapasok sa  PPP cards ng mga driver.

Nilinaw ng LTFRB na ang  subsidy ay maaari lamang magamit na pambayad sa ikakargang krudo ng mga jeep sa  siyam na participating petroleum retail outlets o gasoline stations.

Ang mga lalabag sa paggamit ng PPP cards ay awtomatikong aalisan ng  anumang benepisyo sa pamahalaan at tatanggalin sa subsidy program na nasa ilalim ng  Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ang LTFRB ay may  85,000 active PPP card holders at 78,000  dito ay tumanggap na ng kanilang  subsidies.

Sinabi ni Delgra na ang mga wala pang cards ay maghintay lamang dahil patuloy ang pagpoproseso  dito ng  Land Bank of the Philippines para sa printing at pamamahagi nito.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with