Mga pangako ni Mayor Joy nabigyang katuparan
MANILA, Philippines — Nagawa na umano ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pangako nitong unahin na paglingkuran ang mga residente ng lungsod.
Ito ang laman ng kanyang State of the City Address na ginawa sa QC Albert hall, kahapon.
Dito ay inisa-isa ni Belmonte ang hilera ng mga ipinatupad na programa sa larangan ng kalusugan, infrastructure, pabahay, edukasyon, livelihood, negosyo, employment, transportation, seguridad, disiplina at ang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa pandemya.
Anya, sa kabila ng mga hamon na dulot ng COVID-19 pandemic ay naging prayoridad ng kanyang panunungkulan ang taumbayan.
Ipinagmalaki rin ni Belmonte na ang lokal na pamahalaan ay walang utang at nakalikom pa ng P24.6 bilyon noong 2019 at bago mag-pandemya at may P22 bilyon naman ang nalikom ngayong taon sa kabila ng pandemya.
Inihayag din niya ang iba’t ibang pagkilala sa QC government tulad ng Commission on Audit (COA) na nagsabing isa sa lokal na pamahalaan na sumunod sa mga rekisitos ng ahensya hinggil sa paggasta ng pondo para sa lungsod.
Tumanggap din ng parangal ang QC mula sa ibat ibang sektor at samahan na ang pinakahuli ay ang Galing Pook Award dulot ng mahusay na pamumuno sa lokal na pamahalaan na patunay na nasa tamang landas para sa mahusay na paglilingkod sa mamamayan ng QC.
- Latest