^

Metro

Trader itinumba ng tandem sa Caloocan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Trader itinumba ng tandem sa Caloocan
Nakilala ang nasawing biktima na si Glenn Cayao, ng Block 12, Lot 28, Kaularan Village, Brgy. 12 ng lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay  ang  isang negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem ang  sasakyan ng una sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawing biktima na si Glenn Cayao,  ng Block 12, Lot 28, Kaularan Village, Brgy. 12 ng lungsod.

Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Caloocan City Police Chief  P/Col. Samuel Mina Jr, dakong alas-12:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng 6th St., corner 7th Avenue, Brgy. 121 ng nabanggit na siyudad.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang Toyota Fortuner at habang binabagtas ang naturang lugar ay biglang dinikitan ng mga suspect na magkaangkas sa isang kulay itim na motorsiklo.

Agad umanong pinagbabaril ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Matapos masigurong napuruhan ang target ay mabilis na tumakas ang mga suspect  patungo sa  direksyon ng C3 Road.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito, gayundin ang pagtukoy sa mga suspect at motibo sa isinagawang pagpaslang.

vuukle comment

GLENN CAYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with