Iisnab sa swab test, may multa at kulong pa -- DILG
MANILA, Philippines — Bukod sa multa ay maaaring makulong ang sinumang indibidwal na iisnab sa swab tes-ting oras na makitang may sintomas ito ng COVID-19 at nagkaroon ng close contact sa isang tao na nagposi-tibo sa virus.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, maaaring kasuhan at pagmultahin ng P20,000 hanggang P50,000 at makulong ng hanggang anim na buwan ang sinumang may sintomas ng virus at nagka-close contact sa COVID patient kung ayaw nitong magpa-swab test.
Binigyang diin ng Kalihim na maaari kasing ilagay sa peligro ang buhay ng ibang tao kung ito ay infected ng virus.
Sinabi ni Año na da-pat makipagtulungan ang mamamayan sa kampanya ng pamahalaan para maiwasan ang hawaan sa Covid-19 dahil hindi kaya ng gob-yerno na tustusan ang lahat ng pangangailangan ng bawat indibi-dwal.
Hiniling din ni Año ang pang-unawa sa mga manggagawa na walang sahod oras na ito ay mai-quarantine. Anya mas mainam pa naman ito kaysa sa maging carrier ng virus
- Latest