^

Metro

Bokalista, 5 pa timbog sa P1 milyong shabu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado  ang anim katao kabilang ang isang babaeng bokalista ng banda matapos silang makuhanan ng mahigit P.1 milyon shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon Police deputy chief Col. Rhoderick Juan ang mga suspek na sina Jose Gacias Jr, 35; Christine De Silva alyas “Tin-Tin”, 26, band vocalist; Anna Rocel Espineda alyas “Cheng”, 34, Jasper Escalana, 20, Michael Martin, 46, pedicab driver, at Ferdinand Aquino, 42, vendor.

Sa imbestigasyon ng P/Staff Sgt. Jerry Basungit, dakong alas-2 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Alexander Dela Cruz ng buy-bust operation sa Del Rosario St., Brgy. Dampalit.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Gacias at De Silva ng P500 halaga ng droga. Nang magpositibo ang transaksyon, sinunggaban ng mga operatiba ang magkakasamang suspek.

Nakuha  sa mga naarestong suspek ang humigit-kumulang sa 16.80 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P114,240, ang ginamit na buy-bust money at isang E-trike.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with