Face-to-face transaction sa MMDA redemption center balik na
MANILA, Philippines — Balik ang face-to-face transactions sa Metro Manila Development Authority (MMDA) Redemption Center simula ngayong araw, (Agosto 31).
Lahat ng transaksyon, kabilang ang pagbabayad ng multa sa traffic violations ay tatanggapin sa Redemption Center.
Sa mga nais pa ring magbayad sa pamamagitan ng electronic o cashless sa online payment channels ay maaari pa rin, sa pamamagitan ng Landbank, Bayad, GCash, at PayMaya.
Matatandaang sinuspinde ng MMDA ang pagbabayad ng traffic violations sa redemption center ng ahensya simula noong Agosto 17, 2021 sa layuning malimitahan ang face-to-face transactions dahil sa patuloy na pagsipa ng kaso ng COVID-19.
- Latest