^

Metro

2 Chinese, 1 Pinoy timbog sa kidnap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese, 1 Pinoy timbog sa kidnap
Kinilala ang mga nasakote na sina Zhui Beibei, 26 at Niu Yong Xing, 32, kapwa Chinese National at POGO worker kasama si Rolando Olvido Jr, 33.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang Chinese at ang Pinoy bodyguard ng mga ito dahil sa kasong kidnapping sa kapwa nila dayuhan  sa Pasay City, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasakote na sina Zhui Beibei, 26 at Niu Yong Xing, 32, kapwa Chinese National at POGO worker kasama si Rolando Olvido Jr, 33.

Inaresto ang tatlo sa ikinasang entrapment ope­ration na isinagawa sa Williams St., Brgy 13, Pasay City.

Batay sa inisyal na im-bestigasyon, ibinenta sa mga suspek ang mga biktimang sina Yong Qing Song at Miai Miao Chi, kapwa 38 ng kinilalang hindi kinilalang employer sa Las Piñas City.

Tinangay din ng emplo-yer ng mga biktima ang pera ng mga ito na nagkakahala-ga ng 1,500,000.00RMB (Ren Min Bi) bago ibinigay sa mga suspek.

Ang mga suspek naman ang humingi ng P400,000 na ransom sa pamilya ng mga biktima kung saan isang Norman Reyes ang nakipagnegosasyon.

Nakipag-ugnayan din si Reyes sa mga pulis at ikinasa ang entrapment operation kung saan nasagip ang mga biktima at natimbog ang mga suspect.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Pasay City Station Detention Management Unit.

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with