^

Metro

Mayor Isko nahalal na pangulo ng partidong Aksyon Demokratiko

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mayor Isko nahalal na pangulo ng partidong Aksyon Demokratiko
Ang pagkakahalal kay Mayor Isko Moreno sa naturang posis­yon ay naganap may ilang araw lamang matapos siyang magbitiw sa dating kinasasapiang National Unity Party (NUP).
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hinirang si Manila City Mayor Isko Moreno bilang bagong pangulo ng nilipatan niyang partido na Aksyon Demokratiko (AD) makaraang ihalal siya ng mga miyembro nitong nakaraang Martes.

Ang pagkakahalal kay Moreno sa naturang posis­yon ay naganap may ilang araw lamang matapos siyang magbitiw sa dating kinasasapiang National Unity Party (NUP).

Pinangunahan ni Gng. Sonio Roco, co-founder ng Aksiyon Demokratiko, ang paghalal kay Moreno sa ginanap na eleksyon kasama ang iba pang mga opisyal at miyembro ng partido.

“We saw in Yorme someone with a clean track record, tangible accomplishments, and a vision that the party shares,” ayon kay Eernest Ramel, chairman ng partido.

“We are confident that he will be able to help lead the party in its thrust to be a unifying force in an atmosphere of heavy political polarization,” dagdag pa niya.

Samantala, nanatili naman si Pasig Mayor Vico Sotto bilang External Vice President ng AD, habang si Mayor Andres Lacson ng Tarlac ang bagong Vice Chairperson nito.

Hindi pa naman kinukumpirma ni Moreno kung ang paglipat niya ng Partido ay nangangahulugang totoo ang mga balitang tatakbo siya sa mas mataas na posis­yon sa susunod na halalan.

Ang Aksiyon Demokratiko ay itinatag ni dating Senador Raul Roco.

vuukle comment

MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with