^

Metro

Alert Level sa Marikina River, ibinaba na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinaba na muli ang alert level ng Marikina River kahapon ng hapon kasunod nang pagbaba na rin ng antas ng tubig sa ilog.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, hanggang alas-1:16 ng hapon ay nasa 15.8 metro na lamang ang tubig sa Marikina River kaya’t ibinaba na ang alerto nito sa unang alarma o Alert Level 1.

Batay naman sa update ng Marikina Public Information Office (PIO) sa kanilang social media accounts, nananatili pa ring bukas ang walong gates ng Manggahan Floodway.

Hanggang alas-12:00 naman ng tanghali ay nasa kabuuang 3,337 pamilya na o 14,173 indibiduwal pa rin ang kasalukuyang nananatili sa may 30 evacuation centers ng lungsod matapos na lumikas mula sa kanilang mga tahanan nang unang tumaas ang tubig-baha sa kani-kanilang lugar.

Una nang itinaas sa ika­lawang alarma ang alert le­vel ng Marikina River nitong Sabado ng madaling araw nang umabot sa 16 metro ang antas ng tubig nito.

Umabot pa ng 16.4 metro ang antas ng tubig sa ilog hanggang alas-10:00 ng umaga ngunit nang bahagyang humupa ang mga pag-ulan ay unti-unti na ring bumaba ang tubig.

vuukle comment

PIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with