^

Metro

3 linya ng tren, nagpatupad ng temporary suspension ng operasyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa Lindol

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng temporary suspension ng kanilang operasyon ang tatlong linya ng tren sa bansa, kasunod na rin ng magnitude 6.6 na lindol sa Calatagan, Batangas kahapon ng madaling araw, na naramdaman din sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Nabatid na nagpasya ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), gayundin ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), na itigil muna ang kanilang mga operasyon upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng safety checks at assessment sa kalagayan ng mga istasyon at mga pasilidad nito, para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Matapos naman ang may ilang oras na inspeksiyon at nang matiyak na ligtas ang kanilang mga pasilidad at hindi napinsala ng lindol, ay kaagad na ring ipinagpatuloy ng mga rail lines ang kanilang operasyon.

Ang LRT-1, na pinamamahalaan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang siyang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran, Parañaque City.

Ang LRT-2 naman na pinangangasiwaan ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ay nagdudugtong sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila hanggang sa Antipolo City habang ang MRT-3 naman, na pinamumunuan ng Department of Transportation (DOTr), ay bumabaybay sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City at pabalik.

vuukle comment

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with