Higit 10K empleyado sa 62 government agencies nabakunahan na sa Quezon City
MANILA, Philippines — Nakapagbakuna na ang Quezon City go-vernment ng may 10,200 empleyado sa 62 go-vernment agencies sa lungsod bilang bahagi ng pinalakas na vaccination program ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng QCProtekTODO.
“Since Quezon City is home to many national government agencies, government owned and controlled corporations, and their subsidiaries, their employees are also eligible to be part of our vaccination program,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
Ang mga nabakunahang empleyado ng ibat’ ibang ahensiya ng pamahalaan na may opisina sa QC ay mga A1, A2, A3 at A4 priority groups kabilang dito ang mula sa Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture, National Housing Authority, Commission on Higher Education, National Power Corporation at iba pa.
Ayon kay Mona Yap, officer-in-charge for vaccination of government agencies, na ang mga ahensiya ng gobyerno na lubhang maraming bilang ay sa kanilang sariling vaccination sites ginagawa at mayroon silang medical team kaya’t nabibigyan na lamang ang mga ito ng lokal na pamahalaan ng vaccine supply.
Pero ang mga gov’t. agencies na may 10 hanggang 20 listed employees lamang ay binibigyan ng takdang araw para mabakunahan sa vaccination sites ng QC government.
“We still adhere to the Department of Health’s guidelines of prioritization. We ensure that they are part of the A1-A4 category groups before we accommodate them,” dagdag ni Belmonte.
Pinalawak din ng city government ang kanilang vaccination program ka-tulong ang private companies, homeowners associations, malls, establishments at iba pang sectoral groups para mapabilis ang pagbabakuna sa Quezon City.
- Latest