^

Metro

2 sangkot sa bentahan ng bakuna, kinasuhan na

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 sangkot sa bentahan ng bakuna, kinasuhan na
Una nang ibinunyag ng Vlogger na si Nina Elaine Dizon ang maanomalyang transaksyon kung saan maaaring makakuha ng slot sa bakuna sa mga lungsod ng Mandaluyong at San Juan ang mga biktima ng dalawa kumporme ang singil sa brand ng bakuna.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tuluyan nang kinasuhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Mandaluyong City Prosecutors’ Office  ang  dalawang suspek sa kontrobersiyal na  bentahan ng ‘bakuna’.

Ayon kay PNP-CIDG Director, BGen. Albert Ferro, kasong paglabag sa article 315 ng Revised Penal Code o estafa, paglabag sa anti-red tape law of 2007 at paglabag sa anti-cybercrime law ang isinampa laban kina Cycle Cedric Bonifacio at Melvin Polo Gutierrez.

Nilinaw ni Ferro na hindi empleyado ng Mandaluyong City Hall sina Bonifacio at Gutierrez taliwas sa naunang lumabas na balita.

Una nang ibinunyag ng Vlogger na si Nina Elaine Dizon ang maanomalyang transaksyon kung saan maaaring makakuha ng slot sa bakuna sa mga lungsod ng Mandaluyong at San Juan ang mga biktima ng dalawa kumporme ang singil sa brand ng bakuna.

Sa panig naman ni PNP Chief Gen. Guillermo ­Eleazar na patuloy pa rin ang imbestigasyon ng CIDG kaugnay sa nasabing kaso na posibleng may iba pang mga indibiduwal ang sangkot dito.

” Magsilbing babala sana ito sa iba pang magtatangkang dayain ang sistema ng ating national vaccination program ang ating pagsasampa ng kaso laban kay Bonifacio at ­Gutierrez,” ani Eleazar.

Paalala naman ni ­Eleazar sa publiko na libre ang bakuna na ibinibigay ng mga Local Government Unit (LGU), ang kailangan lang ay magparehistro at maghintay kung kailan babakunahan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with