^

Metro

Canadian national nagwala sa airport

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabulabog ang mga security at mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magwala ang isang Canadian national sa Departure area ng NAIA T1, kamakalawa ng gabi. 

Nagalit ang dayuhan na kinilalang si Jim Robert, nang hindi siya payagan sa check-in counter ng Korean Airlines na sumakay sa kanyang connecting flight patungong Korea at Canada.

Pinagmumura ng pasaherong dayuhan ang mga staff ng Korean airlines na nakatalaga sa check-in counter matapos siyang hindi payagan na sumakay ng eroplano patungong Korea.

Depensa ng Airlines alam nila ang mga guidelines at expired na ng 5 hours na RT-PCR test ng pasahero na patunay na negative ito sa COVID-19 test kaya hindi ito pinayagan sumakay para sa kanyang flight.

Mananagot daw kasi ang Korean Airlines kung pasasakayin ang nasabing pasahero kung hindi pasok sa 72 hours ang kanyang RT-PCR test mula Korea papuntang Canada.

Wala naman sapat na dahilan ang airlines kung bakit hindi nila tutulungan ang pasahero at ipapa-alam na lamang umano nila sa Embassy ng Canada dito sa Pilipinas ang sitwasyon ng dayuhan. 

Sa kasagsagan ng pagwawala nahimasmasan naman ang dayuhan ng duma­ting ang mga pulis kung saan binigyan din siya ng face mask. 

Dahil dito pinalabas at inaalalayan ng Airport Police ang pasahero sa arrival ­extension para doon siya makapagpahinga. Wala na rin daw pera ang nasabing dayuhan at galing pa ito ng Southern Leyte.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with