^

Metro

Lalaki kinuyog, naganap na children’s party isinumbong daw

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtamo ng mga pasa sa katawan ang isang 55-anyos na pre­sidente ng isang asosasyon nang kuyugin ng diumano’y magkakamag-anak matapos umanong isinumbong nito ang nagaganap na children’s party na isang mass gatherings sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City, kama­kalawa ng gabi.

Nakilala ang biktimana si Alfredo Valera, pa-ngulo ng asosasyon ng kanilang compound,  na sinugod umano sa bahay nito ng pito niyang kapitbahay  at komprontahin hinggil sa pagsusumbong hanggang sa makitang hinahatak ito, batay sa naging pana­yam sa misis ng biktima na si Cecilia.

Ang pangyayari ay nakunan ng closed circuit television (CCTV).

Sinabi naman ni Arly Edrosolano, bara­ngay police na sinita na nila ng 3 beses ang nangyaring party at hindi nagtagal ay nalaman nila na may nangyari ng gulo dahil dito.

Itinanggi naman ng biktima na isinumbong niya ang nagaganap na party.

May dati na umanong alitan ang pamilya ng biktima at ng mga suspek kaugnay sa pagsasampa ng grave coercion ng biktima.

Maghahain ng pormal na reklamo ang pamilya Valera kaugnay sa pananakit kay Alfredo na nagpapagaling pa simula nang ma-stroke noong 2019.

vuukle comment

PARTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with