^

Metro

QCPD, may alok na ‘Libreng Sakay’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May alok na libreng sakay para sa mga Quezon City commuters ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay QCPD Director PBGen Antonio Yarra, inilunsad nila ang naturang proyekto sa patnubay ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Chief, PMGen Vicente Danao, Jr., upang makapagbigay ng libreng transportation services sa mga Authorized Person outside Residence (APOR) at iba pang essential workers.

Bilang tugon na rin aniya ito sa problema sa kakulangan ng mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila, na nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced Community Qua­rantine (MECQ) ngayon.

Sinabi ni Yarra na gamit ang lahat ng available QCPD marked vehicles, inihahatid nila ang mga commuters sa mga lugar na kanilang patutunguhan, sa pamamagitan ng iba’t ibang ruta.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Yarra na sa pagpapatupad nila ng libreng sakay, ay ipinaiiral nila ang minimum health safety protocols gaya ng pagkakaroon lamang ng 50 percent seating capacity, at pagsusuot ng face mask at face shield, upang maiwasan ang posibleng hawahan ng COVID-19.

Nabatid na ang naturang “free ride” project ay continuation effort ng QCPD at sinimulan noon pang Mayo 1 at 2, 2021.

Sa kasalukuyan ay nakapagsilbi na ito sa may 345 pasahero.

 

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with