^

Metro

Ops! Bawal: Libreng alak, yosi sa 'community pantries' iba-ban ng DILG

Philstar.com
Ops! Bawal: Libreng alak, yosi sa 'community pantries' iba-ban ng DILG
Kita sa larawang ito ang haba ng pila ng mga nag-aantay para maambunan ng libreng pagkain at supplies sa Maginhawa community pantry sa Teachers' Village, Quezon City, ika-26 ng Abril, 2021
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ngayong nagsusulputan ang community pantries na namimigay ng libreng pagkain sa gitna ng gutom at COVID-19 lockdowns, plano ng gobyerno na pigilan ang pamamahagi ng ilang bagay doon sa ilalim ng mga bagong panuntunan.

Nagsimula ang mga nasabing pantries sa pamimigay ng essential supplies at pagkain. Ang problema, "libreng bisyo" sa gitna ng health crisis ang ibinibigay sa ilan sa ngayon.

"'Yung ipinagbabawal natin ang mga bagay-bagay na iligal katulad ng mga alcoholic beverages at cigarettes," ani Interior Secretary Eduardo Año sa isang briefing, Miyerkules.

"Hindi 'yan maganda sa kalusugan so hindi natin papayagang maisama yan dito sa community pantry."

Hindi naman "iligal" ang alak at sigarilyo sa ilalim ng mga batas ng Pilipinas. Ang problema, epektibo pa rin ang COVID-19 liquor ban sa ilang local government units (LGUs) gaya ng Lungsod ng Quezon — kahit modified enhanced community quarantine (MECQ) na sa Metro Manila.

Libreng toma

Kamakailan lang nang mag-viral ang isang community pantry sa Barangay Cupang, Lungsod ng Antipolo ngayong buwan matapos nitong mamigay ng libreng "soju," isang alak na yari sa Korea.

Pila na para sa soju hahahaha #communitypantry

Posted by Marvin Perez Rodrigueza on Saturday, April 24, 2021

Thank you So Nice Soju for giving away their NEW Product! ???????? Note: After niyo pong inumin pwede niyo pong gamitin ulit ang mga bottles sa ating mga refillables! ????????

Posted by Jr. Papel on Friday, April 23, 2021

Hindi pa naman klaro kung papatawan ng mga parusa ang mga community pantries na mamahagi pa rin ng alak o sigarilyo sa gitna ng pandemya.

Kahit hindi kinakailangan ng mga permit, Martes lang nang sabihin ni Año na posibleng isara ang mga community pantries na hindi makasusunod sa mga health protocols laban sa COVID-19.

"Kung hindi maiimplement o may mava-violate dyan, ito ay ground para ipa-stop natin yung community pantry," sabi ng DILG official sa hiwalay na panayam ng Teleradyo.

Suportado ngayon ng Palasyo ang community pantry efforts dahil na rin sa diwa ng "Bayanihan," kasabay na rin ng kawalan pa rin ng ayuda sa ilang lugar sa bansa.

Alak, yosi at COVID-19: Anong kunek?

Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na dapat munang iwasan ang pagkonsumo ngayon ng alcohol dahil na rin sa pagpapahina nito sa resistensya ng katawan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang sigarilyo naman ay nagpapahina ng baga, na isa sa mga mayor na parte ng katawan na inaatake ng COVID-19 virus (SARS-CoV-2). Marami sa mga tinatamaan ng COVID-19 ay nagde-develop din ng ilang sakit gaya ng pneumonia, na primaryang pinupuntirya ang lungs ng tao.

Sa huling ulat ng Department of Health, umabot na sa 1,020,495 ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa. Sa bilang na 'yan, dedo na ang 17,031. — James Relativo

vuukle comment

ALCOHOL

COMMUNITY PANTRY

LIQUOR

NOVEL CORONAVIRUS

TOBACCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with