^

Metro

MRT trains balik-serbisyo na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik-serbisyo na ulit ang halos 17 tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) habang patuloy naman ang paggaling ng mga emple­yado nito na dinapuan ng COVID-19.

Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy John Batan, unti-unti nang bumabalik sa normal ang operasyon ng MRT-3 matapos ang dalawang linggong paglilimita ng DOTr sa operasyon nito dahil sa pagtaas ng bilang ng mga tauhan ng kumpanya na na-infect ng virus.

“Nagbaba sa 12 trains nung week after Holy Week. So sa kasalukuyan 17 to 18 ang tumatakbong trains,” dagdag ni Batan.

Anya ang DOTr  ay nagsagawa ng mass testing sa mga tauhan ng MRT-3 para matiyak na ang sasakyan ay hindi maging ugat ng pagdami ng hawahan sa Covid-19 virus.

Noog April 4, nang limitahan sa 10-12 tren ang napasada na may  limited capacity na 372 pasahero kada train set o 124 pasahero kada sasakyan bilang pagtalima sa pagpapababa sa bilang ng pasahero para maiwasan ang hawahan ng virus.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with