^

Metro

Kasong murder vs Sandra Cam, anak isinampa ng DOJ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kasong murder vs Sandra Cam, anak isinampa ng DOJ
Natagpuang may “probable cause” para sampahan si Cam at anak niyang si Marcon Martin ng kaso kaugnay sa pagpaslang kay Yuson. Isinasangkot din sila sa bigong pagpaslang kay Alberto Alforte IV.
Senate PRIB/Albert Calvelo

Sa pagpaslang sa Masbate vice mayor

MANILA, Philippines — Tuluyan nang si­nampahan ng kasong murder ng Department of Justice (DOJ) si Sandra Cam at kaniyang anak na lalaki kaugnay ng pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.

Natagpuang may “probable cause” para sampahan si Cam at anak niyang si Marcon Martin ng kaso kaugnay sa pagpaslang kay Yuson. Isinasangkot din sila sa bigong pagpaslang kay Alberto Alforte IV.

Kabilang pa sa mga sinampahan ng kaso sina: Nelson Cambaya; June Gomez; Bradford Solis; Juanito De Luna; at Rigor Dela Cruz.

Inilabas nina Assistant State Prosecutor Josie Christina Dugay at Prosecution Attorney Eugine Yusi ang naturang resolusyon kamakailan.  

Sa rekord, nag-aalmusal si Yuson kasama sina Wilfredo Pineda at Alforte sa Sampaloc, Maynila noong Oktubre 10, 2019 nang pagbabarilin sila na nagresulta sa pagkasawi ng bise-alkalde.

Itinuro naman ng misis ni Yuson na si Lalaine na si Cam na siyang utak sa pagpaslang dahil umano sa politika. Ito ay makaraang manalo si Yuson sa halalan laban sa anak ni Cam na si Martin.  Sinabi ng misis na unang nakita ang mga gunmen sa resort ni Cam sa Masbate.

Nagsagawa ang National Bureau of Investigation (NBI) at siyang nagsampa ng kaso laban kay Cam at sa iba pang mga sangkot.

Una nang itinanggi ni Cam ang mga akusas-yon at nagsampa pa ng kasong libelo laban kay Lalaine sa korte.

vuukle comment

SANDRA CAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with