17 staff ng Philippine Orthopedic Center nagpositibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Philippine Orthopedic Center (POC) na 117 sa kanilang 180 staff ang nagpositibo sa COVID-19.
Kasaby nito, inanunsyo rin ng naturang pagamutan na pansamantalang isasara ang kanilang Out Patient Department at pagpaliban ng electuve at non-emergency surgeries.
Gayunman, nabatid sa POC na bukas ang kanilang tele-consultations sa pamamagitan ng kanilang Facebook page matapos na suspindehin ang face-to-face consultations.
Hanggang noong Biyernes, 36 pang staff sa pagamutan ang inadmit sa quarantine centers sa pamamagitan ng Department of Health’s One Hospital Command Center.
Inadjust na rin ng pagamutan ang kanilang working hours para sa iba pang natitirang staff, habang ang mga na-infect naman ay nasa isolation na.
Sa kasalukuyan ang POC ay may 216 pasyente at 12 COVID-19 cases.
Ang Emergency Room Operations ay mananatiling bukas maging ang paggamot sa mga orthopedic emergency patients.
Umapela naman ang POC ng karagdaag persoal protective equipmenys (PPEs at iba pang supplies ng face masks.
- Latest