^

Metro

Makati LGU nagpasaklolo na sa national government

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa pag-apaw ng COVID-19 patients sa pagamutan

MANILA, Philippines — Nagpasaklolo na ang Makati City local government unit (LGU) sa national government  matapos hindi na makayanan ang dagsa ng mga COVID-19 patients  sa mga ospital ng lungsod

“The local initiatives are not sufficient that’s why we are hoping that the national government will help us with the isolation facilities, which was the arrangement last year,” ani Makati City Mayor Abby Binay.

Aniya, alam niya na kahit ang national isolation at quarantine facilities ay punuan na  rin.

May ilang linggo na aniyang nasa full capacity para sa COVID cases ang city-run na Ospital ng Makati at ang pribadong Makati Medical Center .

Marami aniya, ang nasa wait list na nasa emergency room lamang na walang mahigaang kama.

Nitong nakalipas na martes ay nakapagtala pa ng karagdagang 129 active cases ang Makati na may kabuuan nang 1,072. Nasa mahigit 14,000 naman ang kaso ng COVID-19 sa lungsod, 12,500 ang gumaling at 480 ang nasawi.

Bukod sa kakulangan na rin ng medical staff na ang iba ay tinamaan pa ng virus, marami rin ang mga nurse na umatras sa pag-aaplay dahil sa takot na mahawaan.

“We have an opening for nurses and doctors but no one wants to apply... A lot of people are scared, even the medical practitioners, to come to work or even apply for the job. So, it’s very difficult,” ani Binay.

Marami naman aniya silang ginagawa para labanan ang pandemya tulad ng vaccination program at pagtugon sa paglobo ng kaso at ang pamamahagi ng cash aid sa mga apektado nang muling pagpapairal ng enhanced community quarantine.

Nakakasa na ang one-time financial assistance na ipamamahagi sa 517,000 low-income residents sa pamamagitanng electronic transaction na hindi na aniya, ‘in-kind’ para mas mabilis.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with