^

Metro

11 kinasuhan sa Dacera case, maghahain ng kontra demanda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
11 kinasuhan sa Dacera case, maghahain ng kontra demanda
Sinabi nitong Lunes (Marso 15) ni Atty. Mike Santiago, abugado ng mga respondents, na plano nilang maghain ng mga reklamong perjury, maliscious prosecution, libel at incriminating innocent persons.
Contributed Photo

MANILA, Philippines — Maghahain ng kontra-demanda ang 11 respondents laban sa pamilya ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera matapos matukoy sa naging resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang sapat na batayan para akusahan sila ng rape.

Sinabi nitong Lunes (Marso 15) ni Atty. Mike Santiago, abugado ng mga respondents, na plano nilang maghain ng mga reklamong perjury, maliscious prosecution, libel at incriminating innocent persons.

“We will also file counter charges against people who are concocting lies one after the other,” ayon kay Santiago. “They want to force the issue there was rape with homicide,” ani Atty. Santiago.

Bukod  pa rito, pinag-iisipan din aniya, ng mga kliyente niya na humingi ng moral damages.

Posibleng isama rin sa reklamong perjury ang mga testigo ng kampo ng Dacera family, dagdag pa ng abugado.

Samantala, sinabi ni Atty. Jose Ledda III, isa sa legal counsels ng pamilya Dacera,  na iginagalang nila ang anumang legal na aksiyon na gustong gawin ng mga respondents subalit kinontra niya ang akusasyon ni Atty. Santiago.

Ani Ledda, ang mga ebidensya sa nakabinbing reklamo sa Makati Prosecutor’s Office at Department of Justice (DOJ) ay nanggaling mismo sa Philippine National Police at sa NBI, partikular sa traces ng ilegal na droga at ang sinasabing ‘semen’ sa kumot na specimens isinumite ng PNP.

 

vuukle comment

CHRISTINE DACERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with