^

Metro

MMDA officer, timbog sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MMDA officer, timbog sa buy-bust
Batay sa ulat ng QCPD-Kamuning Police Station 10 na pinamumunuan ni PLTCol Alex Alberto, dakong alas-7:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa Bernardo St., kanto ng Zambales St., sa Brgy. San Martin de Porres.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang Metro Manila Development Authority (MMDA) officer ang arestado sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod kamakalawa ng  gabi. Kinilala ni QCPD Director PBGen Danilo P. Macerin ang naarestong suspek na si Antonio Sarmiento alyas “Bon”, 33, MMDA officer, at naninirahan sa Brgy. San Martin de Porres, Quezon City.

Batay sa ulat ng QCPD-Kamuning Police Station 10 na pinamumunuan ni PLTCol Alex Alberto, dakong alas-7:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa Bernardo St., kanto ng Zambales St., sa Brgy. San Martin de Porres.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t nagkasa ng buy-bust operation.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng shabu sa halagang P6,500 at nang magpositibo ang transaksiyon ay kaagad nang inaresto ang suspek.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800 gayundin ang buy-bust money.

Si Sarmiento ay kasalukuyan nang nakapiit at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with