^

Metro

3 sub-leaders ng ‘Namang Criminal Group’, timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong sub-leaders ng ‘Namang Criminal Group’ ang inaresto ng mga pulis matapos na mahulihan ng mga baril, mga bala at shabu sa isang operasyong ikinasa sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Danilo  Macerin ang mga naarestong suspek na sina Maricel Amante, 27; Ricardo Oquindo, 50; at Kemson Saplic, 29, pawang residente ng F. Carlos St., Brgy. Baesa.

Batay sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong alas-10:00 ng umaga nang silbihan ng search warrant ng joint ­operatives ng Quezon City District Field Unit Criminal Investigation and Detection Group (QCDFU-CIDG) ang mga suspek sa kanilang tahanan.

Ang search warrant ay inisyu ni Judge Virgilio Macaraig, Executive Judge ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 37, laban sa tatlong suspek dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Kaagad namang binitbit ng mga pulis ang mga suspek sa presinto matapos na makumpiskahan ng isang kalibre .38 revolver na walang serial number, isang improvised shotgun, ilang bala, limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,000, isang suppressor, dalawang weighing scale, at drug paraphernalia.

Sa imbestigasyon, natuklasang ang mga suspek ay sub-leaders at miyembro ng ‘Namang Criminal Group’ na sangkot sa bentahan ng loose firearms at pagpapakalat ng ilegal na droga sa Quezon City, Pasig City, at Rizal Province.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with