^

Metro

Metro Manila mayors pabor sa MGCQ sa Marso

Doris Franche, Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila mayors pabor sa MGCQ sa Marso
Ito ang inihayag kahapon ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na nagsabing sa ginanap na pulong kamakalawa, siyam sa mga NCR mayors ang bumoto sa MGCQ, habang walo naman ang pabor sa general community qua­rantine (GCQ) .
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mas nakakaraming Metro Manila mayors ang pabor na sa pagsailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa Marso.

Ito ang inihayag  kahapon  ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na nagsabing sa ginanap na pulong kamakalawa, siyam sa mga NCR mayors ang bumoto sa MGCQ, habang walo naman ang pabor sa  general community qua­rantine (GCQ) .

Nabatid na sa  MGCQ at GCQ  tanging nasa edad 15 - 65 lamang ang pinapayagang lumabas ng bahay.

Ang resulta ng botohan ang isusumite  sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), na irerekomenda kay Pangulong  Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Tiangco na ipinaliwanag ng mga  economic managers ang pagpapatupad ng   MGCQ  upang makabawi ang ekonomiya ng bansa dulot ng pandemya ng COVID-19.

Gayunman, tutol ang MM mayors sa panukala ng National Economic and Deve­lopment Authority (NEDA) na payagan na ang mga indibiduwal na nagkakaedad ng mula lima hanggang 70-taong gulang na makalabas ng kani-kanilang mga tahanan.

Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, walang nakikitang pangangailangan ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na payagan na ang mga taong nasa naturang age range na lumabas ng kani-kanilang mga tahanan, dahil maaari aniyang maging ‘super spreaders’ sila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Sa kabuuan, ang mga mayor ayaw talagang ibaba sa limang taon hanggang 70 taong gulang dahil wala naman talagang nakikitang pangangailangan at baka maging super spreader pa ‘yung mga ganitong edad,” aniya, sa panayam sa radyo.

vuukle comment

MGCQ

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with