^

Metro

Mandaluyong fire: Maglola patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mandaluyong fire: Maglola patay
Kinilala ang mga biktima na sina Pacita V. Lamac, 55, at kanyang apong si Althea Monique Salumbides, 13, kapwa residente ng Block 39, Brgy. Addition Hills.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang maglola nang tupukin ng apoy ang kanilang tahanan sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Pacita V. Lamac, 55, at kanyang apong si Althea Monique Salumbides, 13, kapwa residente ng Block 39, Brgy. Addition Hills.

Batay sa ulat ni FO2 Sherwin Jay Villasanta ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection, nabatid na dakong alas-12:25 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa tatlong palapag na paupahang tahanan na pagma-may-ari ni Aristeo Lamac na matatagpuan sa Block 39, Brgy. Addition Hills.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na nagsimula ang apoy sa isang tailoring shop na nasa ikalawang palapag ng tahanan.

Dahil maraming tela sa lugar ay mabilis umanong kumalat ang apoy.

Nahirapan din umano ang mga awtoridad na mailikas ang mga residente dahil iisa lamang ang entrance at exit ng tahanan.

Dahil sa gawa lamang sa light materials ang tahanan ay bumagsak din ito kasama ang maglola, na nasa ikatlong palapag.Sinasabing nasa ospital ang mga kaanak ng mga biktima, na nagbabantay sa isang kaanak na naka-confine, nang sumiklab ang sunog na umabot lamang sa unang alarma.

Isang tahanan pa umano ang nadamay sa sunog at tinatayang nasa 28 indibiduwal ang apektado nito.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy, gayundin kung ano ang pinagmulan ng sunog.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with