^

Metro

200 metric tons ng baboy buhat Gensan dumating na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumating na ang 200-libong kilo ng buhay na baboy sa Port of Manila kahapon sakay ng  MV Oceanic Freedom mula sa General Santos City.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang naturang mga baboy ang pupuno sa kakulangan sa suplay ng produkto sa Metro Manila.

Sinabi ni Secretary Dar na  hindi magtatagal ay matatapos na ang kakulangan ng suplay ng baboy maging sa manok sa Metro Manila dahil sa mga suplay na magmumula sa ibat- ibang lugar sa bansa na walang African Swine flu.

Anya,  nakalatag na ang mga palengke na pagbabagsakan ng mga dumating na baboy  sa sandaling makatay na  ito sa mga naitalagang slaughter houses sa Metro Manila.

Sinabi ni Dar na tututukan ng DA ang pork products hanggang madala ito sa mga vendor.

Tiniyak din ni Secretary Dar na mayroon pang sapat na suplay na darating mula sa iba pang probinsya gaya ng Iloilo, Batangas, Mindoro at iba pa para punan ang demand sa karne ng baboy sa Kalakhang Maynila.

vuukle comment

WILLIAM DAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with