^

Metro

11 modern jeepney, ilegal na namasada, pinaghuhuli!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
11 modern jeepney, ilegal na namasada, pinaghuhuli!
Nagsasagawa ang mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng anti-colorum o­peration sa Commonwealth Avenue nang mamataan ang mga naturang modern jeepney na ilegal na namamasada sa lugar, kaya’t kaagad silang dinakip.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Huli ang 11 modern jeepney matapos na maaktuhang ilegal na namamasada sa Commonwealth Avenue, Que­zon City kahapon ng umaga.

Nagsasagawa ang mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng anti-colorum o­peration sa Commonwealth Avenue nang mamataan ang mga naturang modern jeepney na ilegal na namamasada sa lugar, kaya’t kaagad silang dinakip.

Nabatid na dalawang e-jeep ang unang nasita pagsikat pa lamang ng araw, habang alas-7:00 ng umaga naman nang maaresto ang siyam na iba pa, o kabuuang 11 modern jeepney.

Nabatid na bukod sa wala pang permiso na pumasada, hindi pa naka-face mask ang konduktor ng isang modern jeep.

Ayon sa mga awtoridad, may provisional authority na ang mga modern jeep na ito para sa ruta.

Gayunman, hindi pa rin sila maaaring bumiyahe dahil kailangan pa nilang mag-apply para sa QR code na inilalagay sa sasakyan.  Ang QR code ang magpapatunay na aprubado na ang ruta ng mga ito.

Ikinakatwiran naman umano ng isang drayber, na hindi niya alam na kailangan pa ang QR code para makabiyahe.

Ang mga sasakyan ay inimpound ng mga awtoridad at kinakailangan ng operator nito na magbayad ng P50,000 para matubos ang bawat mo­dern jeep.

Sa ngayon anila ay mga bus pa lang ang pinapayagang pumasada sa Commonwealth Avenue.

 

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with