^

Metro

‘No take policy’ tiniyak ng CIDG

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

‘No take policy’ paiigtingin.

Ito ang binigyan diin ng bagong hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si P/BGen. Albert Ferro sa mga operasyon ng pulisya laban iba’t ibang criminal activities.

Ayon kay Ferro, mahigpit ang kautusan ni PNP Chief Gen.Debold Sinas na sundin ang batas at pairalin ang tamang sistema sa pagsugpo ng mga krimen sa bansa.

Aniya, sa ipinatutupad na ‘no take policy’ hindi makokompromiso ang trabaho ng mga pulis at tataas pa ang moralidad ng mga ito.

Hindi umano siya magdadalawang isip na agad na sibakin sa serbisyo ang sinuman sa kanyang mga tauhan na masasangkot at lalabag sa “no take po­licy”.

Dagdag pa ni Ferro, partikular na tututukan ng CIDG ang illegal drugs operations na ino-operate ng malalaking sindikato.

Subalit naniniwala si Ferro na sa nasabing polisiya mas paiiralin ng mga pulis kanilang dignidad at hindi patatalo sa utos ng mga sindikato.

Tiwala siya sa kanyang mga tauhan na hindi magi­ging sunud-sunuran sa mga sindikato.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with