^

Metro

Mag-asawang call center agent, patay sa pamamaril

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang call center agent, patay sa pamamaril
Namatay noon din ang mga biktimang sina Marcelo, 54 at Zener Tomas, 41, kapwa ng San Diego Street, Brgy. Central Bicutan, ng naturang lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang mag-asawang  call center agent ang nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin lulan ng motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Marcelo, 54 at Zener Tomas, 41, kapwa ng San Diego Street, Brgy. Central Bicutan, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, nag-uusap ang mag-asawa sa tapat ng kanilang bahay dakong ala-1:10 ng hapon nang dumating ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo at bigla silang pinagbabaril gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Napuruhan ang mag-asawa dahilan ng agad nilang pagkasawi habang humarurot sa pagtakas ang mga salarin sa hindi mabatid na direksyon.

Humingi ng responde ang mga opisyal ng barangay sa Police Substation ngunit bigo na maabutan pa ang mga salarin. Naghahanap pa ngayon ng karagdagang impormasyon ang mga im-bestigador para mabatid ang motibo sa pamamaslang at makilala ang nasa likod nito.

vuukle comment

TAGUIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with